Translations
Mga Tuntunin at Kondisyon para sa Pag-upload at Pag-display ng Larawan/Video
A. Pangkalahatan
Ito ay ligal na maipapatupad na kasunduan sa pagitan ninyo at ng Washington Department of Fish and Wildlife (Departamento ng Isda at mga Hayop ng Washington, WDFW) na namamahala sa pag-upload o pagbabahagi ng digital na koleksyon ng imaheng binubuo ng (mga) larawan o pagsumite ng mga link sa (mga) video para sa posibleng pag-display ng WDFW at pagpapanatili at paggamit ng anumang naturang (mga)larawan/video. Ibinibigay sa iyo ng WDFW ang pagkakataong i-upload ang digital mong koleksyon ng imahe para sa posibleng pag-display ng WDFW. Ganap na boluntaryo ang pag-upload ng anumang digital na koleksyon ng imahe para sa posibleng pag-display. Hindi ka babayaran para sa pag-upload ng anumang digital na koleksyon ng imahe. Ang na-upload na digital na koleksyon ng imahe na pinili para mai-display ay maaaring makita ng publiko ng sinuman at lahat ng mga gumagamit at/o mga tatanggap ng media ng WDFW. Sa pamamagitan ng pag-upload ng anumang digital na koleksyon ng imahe para sa posibleng pag-display ng WDFW, sumasang-ayon ka at napapailalim ka sa lahat ng mga tuntunin at kundisyon ng Kasunduang ito at ang iyong pahintulot na mag-upload ng anumang digital na koleksyon ng imahe ay nakakondisyon sa iyong kasunduan sa Mga Tuntunin at Kundisyon na ito.
B. Mga kahulugan
Ibig sabihin ng "Digital na Koleksyon ng Imahe" ang pag-upload ng digital na mga imahe at larawan o ang pagbabahagi ng mga link sa online na mga video.
Ibig sabihin ng "Kasunduan" ang mga Tuntunin at Kondisyon na ito sa kabuuan.
Ibig sabihin ng "Pag-display" ang pag-publish, pamamahagi, pag-broadcast, pagpapadala, pagpaparami, o kung hindi man ay gawing makikita o magagamit sa o sa anumang media.
Ibig sabihin ng "Komisyon" ang Washington Fish and Wildlife Commission.
Ang "Media" ay kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, elektroniko na media tulad ng website ng Internet, blog, board ng mensahe, kapaligiran ng social networking (kabilang ang Facebook), sosyal na mga komunikasyon, email, at ibang mga pag-andar ng elektronikong komunikasyon, at media ng hard copy, tulad ng mga brochure, report, pagpapadala ng koreo, at anumang iba na nakaprinta o na-publish na materyal.
Ibig sabihin ng "Pag-upload" ang paglilipat ng digital o naka-digitze na file ng larawan mula sa computer na ginagamit mo sa server ng computer na idinisenyo ng WDFW na tatanggap ng mga na-upload na larawan o ang pagbabahagi ng mga link sa online na nilalamang video.
Ibig sabihin ng "WDFW" ang Washington Department of Fish and Wildlife, isang administratibong ahensya ng Estado ng Washington.
C. Ang iyong edad at kakayahang pumasok sa isang kontrata
Sa pamamagitan ng pag-upload ng anumang didgital na koleksyon ng imahe para sa posibleng pag-display ng WDFW, ginagarantiya mo na ikaw ay hindi bababa sa 18 taong gulang at may kakayahang pumasok sa umiiral na kontrata sa ilalim ng batas ng Estado ng Washington. Kung wala ka pang 18 taong gulang, hindi ka maaring mag-ipload ng anumang digital na koleksyon ng imahe para sa posibleng pag-display ng WDFW. Maaring mag-upload ang iyong magulang o tagapag-alaga para sa iyo, kung personal siyang sumasang-ayon sa mga Tuntunin at Kondisyon na ito.
D. Ang pagmamay-ari/o pahintulot na gamitin at i-display ang anumang digital na koleksyon ng imahe
Sa pamamagitan ng pag-upload ng anumang digital na koleksyon ng imahe para sa posibleng pag-display ng WDFW, ginagarantiyahan mo na pag-aari mo ang copyright sa naturang digital na koleksyon ng imahe at/o nakuha mo, ibinigay sa iyo, o mayroon kang karapatan, lisensya, at/o pahintulot na gamitin at/o i-display ang anumang naturang digital na koleksyon ng imahe. Ginagarantiyahan mo pa na ligal kang pinapayagan at awtorisado na magbigay sa WDFW ng mga lisensya at pahintulot na nakalagay sa Kasunduan na ito para sa anumang na-upload na digital na koleksyon ng imahe at sinumang (mga) indibidwal na makikita sa naturang digital na koleksyon ng imahe. Ginagarantiyahan mo pa na ikaw ang magulang o ligal na tagapag-alaga o nakakuha ka ng pahintulot mula sa magulang o ligal na tagapag-alaga ng sinumang menor de adad na matutukoy sa larawan.
E. Pahintulot at lisensya na i-display at baguhin/ibahin ang na-upload na digital na koleksyon ng imahe at para gamitin ang imahe na larawan ng sinumang indibidwal na inilalarawan sa anumang naturang digital na koleksyon ng imahe
Sa pag-upload ng anumang digital na koleksyon ng imahe para sa posibleng pag-display ng WDFW, ibinibigay mo ang pahintulot at lisensya sa WDFW na i-display ang naturang digital na koleksyon ng imahe nang walang anumang gasts sa WDFW o kompensasyon na babayaran sa iyo ng WDFW o anumang ibang partido. Kinikilala mo na maaaring mag-dispaly ng ganoong (mga) larawan ang WDFW para sa marketing o mga layunin ng komunikasyon sa media na pagmamay-ari, kontrolado, o nilikha ng WDFW o sa direksyon ng WDFW. Ipinagkakaloob mo sa WDFW ang pahintulot at lisensya na baguhin at/o ibahin ang naturang (mga) larawan ayon sa pagpapasya ng WDFW na kinakailangan at naaangkop, sa sarili nitong diskarte, at para i-display ang naturang (mga) larawan na binago at/o iniba ng WDFW. Ang pagbabago at/o ay maaring kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, pag-crop, pag-resize, at pag-retouch. Iwinawaksi mo ang karapatang makita o siyasatin at/o aprubahan ang anumang bersyon ng anumang (mga) larawan na nai-upload Ang ipinagkaloob na mga pahintulot sa parapo na ito ay hindi-eksklusibo at hindi-nalilipat, ngunit walang paghihigpit, walang kondisyon, walang limitasyon, sa buong mundo, hindi mababawi, at walang katapusan.
Sa pamamagitan ng pag-upload ng anumang (mga) larawan para sa posibleng pag-display ng WDFW, ipinagkakaloob mo sa WDFW ang pahintulot at lisensya na gamitin at i-display ang iyong larawang (mga) imahe, kung makikita ka sa anumang larawan. Gayundin, ginagarantiyahan mo na nakuha mo, pag-aari mo, o ikaw ay may karapatan, pahintulot, at kapangyarihan na ibigay sa WDFW ang pahintulot at lisensya na gamitin at i-display ang larawang (mga) imahe ng sinuman at lahat ng ibang mga indibidwal na makikita sa anumang (mga)larawan sa ngalan ng naturang (mga) indibidwal at ipinagkakaloob mo ang naturang pahintulot at lisensya sa WDFW sa ngalan ng sinuman o lahat ng naturang mga indibidwal. Ginagarantiyahan mo pa na anumang naturang (mga) larawan ay hindi nagpapakita ng paksa na lumalabag sa anumang batas o karapatan ng indibidwal, o ang pag-upload ng naturang (mga) larawan ay hindi ginawa sa layuning manligalig, magbanta, magpahiya, o magdulot ng pagkabalisa, hindi gustong atensyon, o kakulangan sa ginhawa ng sinumang indibidwal o entidad.
F. Kapangyarihan ng WDFW na piliin ang mga na-upload na larawan para sa pag-dispaly at para panatilihin at itapon ang mga na-upload na larawan; pag-alis ng na-upload na (mga) larawan mula sa Galerya ayon sa iyong kahilingan
Sa pamamagitan ng pag-upload ng anumang (mga) larawan para sa posibleng pag-display ng WDFW, kinikilala mo na ang WDFW ay may karapatan at awtoridad na, sa sarili nitong pagpapasya, magpasya kung, kailan, at sa anong tagal, para i-display ang anumang na-upload na (mga) larawan at na ikaw ay walang mga karapatan o dulugan kaugnay ng mga naturang desisyon ng WDFW. Kinikilala mo pa na may karapatan ang WDFW na panatilihin ang anumang (mga) larawang na-upload mo sa anumang tagal ng WDFW, sa sarili nitong pagpapasya, na itinuturing na kinakailangan at naaangkop, at na ang WDFW ay maaaring, sa sarili nitong paghuhusga, itapon o sirain ang anumang naturang (mga) larawan anumang oras at nang walang anumang paunang abiso sa iyo.
Sa pamamagitan ng pag-upload ng anumang (mga) larawan para sa posibleng pag-display ng WDFW, kinikilala mo na maaaring sumang-ayon ang WDFW na tanggalin ang anumang (mga) larawan mula sa Galerya kapag hiniling mo, ngunit walang pananagutan ang WDFW na gawin ito at walang pananagutan sa iyo para sa kabiguan nitong gawin ito.
G. Walang pananagutan ang WDFW para sa maling pag-attribute o pagkabigo na tamang i-attribute ang anumang na-upload na (mga) larawan
Sa pamamagitan ng pag-upload ng anumang (mga) larawan para sa posibleng pag-display ng WDFW, kinikilala mo na gagawa ng mga makatwirang pagtatangka ang WDFW na i-attribute ng tama ang anumang (mga) na-upload na larawan sa iyo kapag ipinakita, ngunit walang responsibilidad ang WDFW na i-attribute nang tama ang anumang na-upload na (mga) larawan sa iyo at hindi mananagot sa anumang paraan para sa kabiguan nitong i-attribute ang anumang (mga) larawan sa iyo o para sa maling pag-attribute nito na may kinalaman sa anumang na-upload na (mga) larawan.
H. Walang mga virus ng computer, uod, atbp. ang mga na-upload na file.
Sa pamamagitan ng pag-upload ng anumang (mga) larawan para sa posibleng pag-display ng WDFW, ginagarantiyahan mo na ang digital na (mga) file na na-upload ay hindi naglalaman ng anumang virus ng computer, uod, o anumang nakaka-disable o nakakapinsalang mekanismo na maaaring makapinsala at/o maka-disable sa software o hardware ng WDFW o mga serbisyo o pasilidad nito.
I. Ang gumagamit ay walang interes sa pagkapribado ng anumang na-upload na (mga) larawan; tulad ng (mga) larawan na napapailalim sa paglabas sa ilalim ng Public Records Act (Batas sa mga Rekord ng Publiko)
Sa pamamagitan ng pag-upload ng anumang (mga) larawan para sa posibleng pag-diplay ng WDFW, kinikilala mo na wala kang interes sa pagkapribado sa anumang na-upload na (mga) larawan at kinikilala pa na ang anumang na-upload na (mga) larawan ay napapailalim sa paglabas sa ilalim ng Public Records Act (Batas sa mga Rekord ng Publiko), Kabanata 42.56 RCW, ipinapakita man o hindi. Walang pananagutan ang WDFW sa pag-abiso sa iyo bago ilabas ang anumang (mga) larawang na-upload mo bilang tugon sa kahilingan sa mga rekord ng publiko.
J. Walang pananagutan ang WDFW para sa mga teknikal na problemang nauugnay sa o kinasasangkutan ng pag-upload ng anumang (mga) larawan
Sa pamamagitan ng pag-upload ng anumang (mga) larawan para sa posibleng pag-display ng WDFW, o pagtatangka sa naturang pag-upload, kinikilala mo na hindi mananagot ang WDFW para sa kabiguan ng anumang (mga) larawan na maayos na mai-upload, o ang pagkawala ng anumang (mga) larawan o iba pang data sa proseso ng pag-upload, bilang resulta man ng mga teknikal na pagpalya ng hardware o software ng anumang uri, nawala o hindi magagamit na mga koneksyon sa network, o nabigo, hindi kumpleto, o naantala na pag-upload, sanhi man ng hardware at/o software sa iyong pagmamay-ari o kontrol o ng WDFW, o mga ahente o kontratista nito, o hardware at/o software sa kontrol o pagmamay-ari ng WDFW, o mga ahente o kontratista nito.
K. Mga hindi pagkakaunawaan
Sa pamamagitan ng pag-upload ng anumang (mga) larawan para sa posibleng pag-display ng WDFW, sumasang-ayon ka na ang anumang hindi pagkakaunawaan na nauugnay sa kasunduang ito ay diringgin at pagpapasyahan sa Superior Court para sa Thurston County, Washington at pagpapasyahan ayon sa batas ng Estado ng Washington.
L. Ang pagwawaksi ng anuman at lahat ng mga claim na nauugnay sa pag-upload, pag-iimbak, pagpapanatili, at/o pag-display ng anumang na-upload na (mga) larawan; hindi mananagot ang WDFW para sa mga gawa ng mga ikatlong partido
Sa pamamagitan ng pag-upload ng anumang (mga) larawan para sa posibleng pag-display ng WDFW, iwinawaksi mo ang anuman at lahat ng mga claim laban sa Estado ng Washington, WDFW, ang Komisyon at mga Komisyonado, at anumang kasalukuyan, dati, hinaharap na empleyado o ahente ng Estado ng Washington, WDFW, o ang Komisyon na nauugnay sa pag-upload, pag-display, pagpapanatili, at/o pagtatapon ng anumang na-upload na (mga) larawan, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga claim na nauugnay sa pagkawala o pagkasira ng anumang na-upload na (mga) larawan o para sa paglabag sa copyright, panghihimasok sa pagkapribado, paninirang-puri, o labag sa batas na paglalaan ng imahe o pagkakahawig ng sinumang indibidwal. Kinikilala mo na hindi mananagot ang WDFW para sa mga aksyon ng mga ikatlong partido na nauugnay sa anumang (mga) larawang na-upload mo, kabilang ang muling pag-display ng anumang ganoong (mga) larawan sa o sa anumang media at sa anumang anyo.
M. Pagbabayad ng pinsala
Sa pamamagitan ng pag-upload ng anumang (mga) larawan para sa posibleng pag-display ng WDFW, sumasang-ayon kang magbayad-pinsala at pawalang-sala ang Estado ng Washington, WDFW, Washington Fish and Wildlife Commission at ang mga Komisyonado nito, at anumang kasalukuyan, dati, hinaharap na empleyado, ahente, o kontratista ng Estado ng Washington, WDFW, o Komisyon para sa anumang mga aksyon, pag-claim, pananagutan, pinsala, gastos, o mga paggasta na nagreresulta mula sa iyong paglabag sa anumang probisyon ng Kasunduang ito.
N. Pagwawaksi at pag-alis
Ang anumang pagkabigo na igiit o ipatupad ang anumang probisyon ng Kasunduan ay hindi dapat ituring bilang isang pagwawaksi ng anumang probisyon ng Kasunduang ito. Kung ang anumang termino o probisyon ng kasunduang ito ay hindi maipapatupad para sa anumang kadahilanan, ang bahaging iyon ay ituturing na inalis at ang natitira sa kasunduan ay mananatiling ganap na ipapatupad at may bisa.
O. Kabuuang Kasunduan
Ang Kasunduang ito ay kumakatawan sa buong kasunduan sa pagitan mo at ng WDFW at naglalaman ng lahat ng napagkasunduang tuntunin at kundisyon. Walang ibang mga kasunduan o pagkakaunawaan, pasalita o nakasulat, hinggil sa paksa ng Kasunduang ito ang ituturing na umiiral para magbigkis sa iyo at/o WDFW.