Translations
Humiling ng mga pagsasalin o interpretasyon
Kung ang Ingles ay hindi mo unang wika, maaari kang humiling ng nakasulat na pagsalin ng dokumento o oral na pagsasalin nang libre sa mga wikang hindi Ingles. Nagbibigay ang DFW ng mga serbisyong ito para lamang sa nilalamang pagmamay-ari o nilikha ng aming ahensya o mga event na aming hino-host.
Mangyaring ipadala ang iyong hiling sa aming Tanggapan ng Civil Right sa iyong gustong wika sa pamamagitan ng email sa: CivilRightsTeam@dfw.wa.gov o tel. 833-885-1012. Masaya kaming magbibigay ng impormasyon tungkol sa kung ano ang maaari naming isalin.
Maghain ng access sa wika o iba pang reklamo sa karapatang sibil
Ipinagbabawal ng Title VI ng Civil Rights Act ang diskriminasyon batay sa lahi, kulay, o bansang pinagmulan sa anumang programa o aktibidad na tumatanggap ng mga pondo ng pederal o iba pang tulong pinansyal mula sa pederal.
Kung ikaw ay humiling at hindi nakatanggap ng mga serbisyo sa iyong gustong wika, o kung pakiramdam mo ay may diskriminasyon sa iyo ang Department of Fish and Wildlife, mangyaring makipag-ugnayan sa Civil Rights Program sa 833-885-1012.
Maaari ka ring maghain ng reklamo ng diskriminasyon sa mga ahensyang ito:
- Washington State Office of the Attorney General (tumawag sa 1-800-551-4636)
- Washington State Human Rights Commission (tumawag sa 1-800-233-3247)
- U.S. Department of Justice (tumawag sa 1-855-856-1247)
- Office of Diversity, Inclusion, and Civil Rights
U.S. Department of the Interior
1849 C Street, NW
Washington, D.C. 20240